Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr. ang oath-taking ng kanyang anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro.
Ginawa ang oath-taking ni Congressman Sandro sa Palasyo ng Malakanyang ilang oras matapos manumpa bilang ika-17 pangulo ng bansa si Marcos.
Ayon kay Marcos, kagagawan niya na manumpa sa Palasyo ang kanyang anak na si Congressman Sandro.
Sinabi pa ni Marcos na siya ang nagpumilit dahil napaka-importante ng tsansa ang mapanumpa ang anak.
“Kagagawan ko ito. This was my doing because I insisted that this is the only, this is a very important chance for me. When else will I be able to swear in, as president, our mayors, our congressmen, and our officials from Ilocos Norte?,” pahayag ni Marcos.
“So sinabi ko kay Sandro, ‘dalhin mo sila lahat dito, kahit na papaano’ para masabi ko naman na pinasumpa ko ang aking anak na naging bagong congressman at ang lahat ng kasama natin dito sa Ilocos Norte,” pahayag ni Marcos.
Bukod kay Congressman Sandro, pinangunahan din ni Marcos ang oath-taking ng mga Mayor sa Ilocos Norte.