Sen. Bato dela Rosa, bumuwelta sa mga kontra sa ROTC

By Jan Escosio June 30, 2022 - 01:35 PM

Photo credit: Sen. Ronald “Bato” dela Rosa/Facebook

Mali ang mga pangamba na papalpak at hahantong lang sa militarisasyon ang binabalak niyang pagbuhay sa Reserve Officer’s Training Corps (ROTC), ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Hinikayat niya ang mga kontra sa ROTC na tingnan ang mga positibong aspeto ng programa.

“If we’ll just only focus on the negatives, kung anong kasamaan tungkol dito sa programang ito, then we will not end up with our ROTC program,” aniya.

Iginiit din ng senador na titiyakin niyang walang mangyayaring militarisasyon sa ROTC at aniya, patuloy na mananaig ang mga sibilyan.

Paliwanag niya, layon lang naman ng programa na maihanda ang mga kabataang Filipino sa pagdepensa sa bansa kung kakailanganin at nakasaad naman aniya ito sa Konstitusyon.

Binanggit pa ni dela Rosa ang hindi nawawalang banta mula sa China dahil sa agawan ng teritoryo.

“We have an impending threat comong from China with their presence in the West Philippine Sea and we need to be proactive. Wag tayong maghintay at maging sitting duck. We have to prepare and train our youth to defend our land,” diin ng dating hepe ng pambansang pulisya.

TAGS: BatoDelaRosa, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonaldDelaRosa, rotc, BatoDelaRosa, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonaldDelaRosa, rotc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.