Sa update ng Phivolcs sa araw ng Huwebes, Hunyo 30, nakapagtala rin ng 630 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hunyo 28.
May lumabas ding plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 50 metro. Napadpad ito sa direksyong Hilaga Hilagang-Silangan.
Ayon sa Phivolcs, may pamamaga pa rin sa naturang bulkan.
Nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Bulusan.
Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing Timog-Silangan.
Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.
Hindi pa rin inaalis ng Phivolcs ang babala ukol sa posibleng pagkakaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.