Matataas na opisyal mula sa iba’t ibang bansa, dadalo sa inagurasyon ni Marcos

Photo credit: BBM Media Bureau

Dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang matataas na opisyal mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga dadalo sa inagurasyon sa National Museum sina Chinese Vice President Wang Qishan at Vietnamese Vice President Vo Thi Anh Xuan sa Huwebes, Hunyo 30.

Dadalo rin si United States of America Second Gentleman Douglas Craig Emhoff, Auatrilian Governor General David Hurley at Don Pramudwinai, Deputy Prime Minister and Minister of Foreign Affairs ng Thailand.

Ayon kay Angeles, dadalo rin ang mga special envoy ng mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, India, Japan, Republic of Korea at United Kingdom.

Pagkatapos ng panunumpa, magkakaroon ng Vin d’honneur si Marcos sa National Museum para sa foreign dignitaries.

Read more...