Pagbibigay ng booster shot sa 12 to 70 age group, sisimulan na
Nakatakda nang simulan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng booster shot sa COVID-19 sa mga indibiduwal na may edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Kasunod ito ng pag-arangkada ng pagtuturok ng booster shot sa immunocompromised A3 priority group ng 12 to 17 age group. Nagsimula ito noong Hunyo 23.
Patuloy pa ring hinihikayat ng gobyerno ang publiko na makiisa sa rollout ng COVID-19 booster shot bilang dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit.
Base sa datos ng kagawaran hanggang Hunyo 28, umabot na sa 70,580,562 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna.
Nasa 14,942,448 naman ang naturukan na ng booster shot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.