Sa press briefing, sinabi ni Cruz-Angeles na itinalaga ni Marcos si Solicitor General Jose Calida bilang susunod na Commission on Audit (COA) chief.
Matatandaang itinalaga ni outgoing President Rodrigo Duterte si Calida bilang Solicitor General taong 2016.
Samantala, si Jose Arnulfo naman ang napiling susunod na chairperson ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Cruz-Angeles:
BREAKING: Incoming press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, inanunsiyo ang bagong appointees ni incoming President Ferdinand @bongbongmarcos Jr. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/d19IpxoBo0
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 29, 2022