Pinababa ang 319 na pasahero at crew ng eroplano ng Korean Airlines na naghahandang mag take off sa Haneda Airport sa Japan matapos na may lumabas na usok sa kaliwang makina nito.
Dahil dito ay pansamantala ring isinara ng mga otoridad ang naturang paliparan na pinaka-busy na aviation hub sa Tokyo.
Makikita sa images ng NHK ang Boeing 777 habang iniisprayan ng foam ng mga fire trucks.
Ang makina ng eroplano, na nakatakdang pumunta sa Seoul, South Korea ay Pratt & Whitney PW 4000 engines.
Wala namang naitalang injuries liban sa tatlumpung pasahero na nagsabing sumama ang kanilang pakiramdam.
Nasa 550 na flights kada araw ang naitala sa Haneda Airport kung saan 75 million na mga pasahero ang dumaan sa paliparan noong nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES