Malakanyang pinakakasuhan sa Senado ang mga sangkot sa smuggling

By Chona Yu June 29, 2022 - 09:31 AM

Hinikayat ng Malakanyang ang Senado na sampahan na ng mga kinauukulang kaso ang mga opisyal ng gobyerno na isinasabit sa smuggling ng mga produktong-agrikultural.

Sinabi ito ng Palasyo matapos maisapubliko ang pangalan ng mga opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Customs na sinasabing sangkot sa smuggling.

Tiniyak naman ni acting presidential spokesman Martin Andanar kaisa ng Senado ang Malakanyang sa pagsugpo sa mga katiwalian sa gobyerno.

“File the necessary charges before the Office of the Ombudaman so officials and persons mentioned in the Senate report could be afforded due process,” ani Andanar.

Kabilang sa mga isinangkot sina Customs Comm. Rey Guerrero at ilan sa kanyang mga matataas na opisyal.

TAGS: Agriculture, customs, smuggling, Agriculture, customs, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.