Endo Bill bubuhayin ni Sen. Jinggoy Estrada sa 19th Congress
Binabalak ni returning Senator Jinggoy Estrada na maghain ng panukala sa 19th Congress para matapos na ang labor contractualization sa bansa.
Inaasahan na si Estrada ang mamumuno sa Senate Committee on Labor sa pagbubukas muli ng Senado sa susunod na buwan.
Ibinahagi na anim na taon niyang pinamunuan ang naturang komite at base sa mga pagdinig noon, kailangan talaga balansehin ang interes ng mga manggagawa at negosyante.
Sinabi nito na may naihanda na siyang 50 panukala na kanyang ihahain at ang unang 10 karamihan ay may kinalaman sa sektor ng paggawa.
Kaugnay naman sa pagtaas ng minimum wage, ayon kay Estrada, magkakaroon ng Technical Working Group ukol dito at mag-uusap ang lahat ng stakeholders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.