Tropical Depression Caloy magpapaulan sa Luzon, Visayas
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng Tropical Depression Caloy sa distansiyang 395 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda. Kaninang alas-5 ng madaling araw, taglay ni Caloy ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.
Ito ay mabagal na kumikilos pa-kanluran, sabi pa ni Castañeda.
Sa susunod na mga oras asahan na ang pag-ulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dahil na rin sa epekto ng habagat.
Sa galaw at tinatahak na direksyon ni Caloy, maaring lumabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras patungo sa katimugang China.
Maari itong manatiling tropical depression sa susunod na 48 oras bago kasabay nang bahagyang paglakas at magiging tropical cyclone sa Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.