DOH chief nagpaalala sa health protocols sa PBBM inauguration
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., bukas, nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols.
Isang mahigpit na ipinagbilin ni Duque ang pagsusuot ng mask.
Sinabi na nito na marami nang nagdaan na ‘super spreader events’ ngunit hindi naman nagkaroon ng masyadong epekto sa datos ukol sa COVID 19 cases sa bansa.
Gayunpaman, umaasa pa rin ang kalihim na magiging maingat pa rin ang mga magtutungo sa National Museum sa Maynila kung saan magaganap ang inagurasyon ng ika-17 pangulo ng bansa.
Isa lamang aniya sa ‘best practice’ ay ang tamang pagsusuot ng mask.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.