Spam messages umariba sa election month, naharang

By Jan Escosio June 29, 2022 - 07:48 AM

Higit 138 milyon ng ‘spam messages’ ang naharang ng Globe sa unang kalahati ng kasalukuyang taon.

Base sa inilabas na pahayag ng Globe, pinakamaraming nasala at naharang noong buwan ng eleksyon, kung kailan umabot sa 74.48 milyon.

Kabilang naman sa kabuuang bilang ang mga local at international app-to-person (A2P) at person-to-person (P2P) messages.

Mula din noong Enero hanggang Mayo, nakapag-deactivate din ang Globe ng 12,877 mobile numbers dahil sa sumbong ng mga subscribers sa pamamagitan ng Stop Spam web portal.

Ibinahagi ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio na dahil sa pandemya naging mabilis ang ‘digital adoption’ ngunit dumami naman ang cybersecurity threats, gaya ng spam at scam messages.

“Kaya mas pinaigting ng Globe ang ating mga hakbang para sa pag-block ng spam messages sa pamamagitan ng ating filtering system. Nagpapasalamat din kami sa publiko sa kanilang vigilance at patuloy na pag-uulat ng mga spam at scam messages,” aniya.

Taon 2014 pa ng palakasin ng Globe ang kanilang kakayahan para labanan ang lahat ng uri ng cybersecurity threats.

TAGS: cybersecurity, scam, spam message, cybersecurity, scam, spam message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.