1-Pacman Rep. Mikee Romero nanumpa kay Pangulong Duterte
Pinili ni reelected 1-Pacman Partylist Representative Mikee Romero na manumpa kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.
Labis-labis ang pasasalamat ni Romero at muli siyang napagbigyan na magsilbi sa bansa at kapwa Filipino.
Mauupo muli si Romero bilang isa sa mga kinatawan sa 19th Congress sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“I am grateful to our fellow Filipinos for letting me serve you in Congress,” aniya.
Pagtitiyak niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya para sa kapakanan at benepisyo ng bawat Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.