Suportado ni Senator-elect JV Ejercito na maipagpaliban muna ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Disyembre.
Ikinatuwiran din ng nagbabalik na senador ang katatapos na eleksyon noong Mayo na ginastusan na ng gobyerno.
Makakabuti, ayon pa sa inaasahang mamumuno sa Senate Committee on Local Government, na mailaan sa mga mas mahahalagang bagay ang pondo na gagamitin sa eleksyon.
Aniya, maaring ang isang taong pagpapaliban sa naturang eleksyon ay sapat na para makapaghanda nang husto ang gobyerno.
Kinakailangan lang aniya na may maghain ng panukala ukol dito at maaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Ejercito na kulang ang tatlong taon para sa pagsisilbi ng barangay officials, ngunit maaring mahaba naman ang limang taon lalo na kung hindi maayos ang pagtatrabaho.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Ejercito:
WATCH: Senator-elect @jvejercito pabor na ipagpaliban muna ang Barangay, SK elections | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/6liox15tAA
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 28, 2022