Robredo, ilulunsad ang Angat Buhay program sa Hulyo 1
Opisyal na ilulunsad ang Angat Buhay program sa araw ng Biyernes, Hulyo 1 hanggang Sabado, Hulyo 2, unang dalawang araw ng pagbaba sa pwesto ni Vice President Leni Robredo.
Sa Facebook post, sinabi ni Robredo na ilulunsad ang naturang non-government organization sa pamamagitan ng 2-day street and art festival.
Magiging tampok din sa naturang festival ang mga pink artwork na kaniyang natanggap sa kasagsagan ng kampanya noong 2022 National and Local Elections.
“We are officially launching Angat Buhay program at our Volunteer Center on July 1, 2022. To celebrate, there will also be a two-day street and art festival, where some of the pink memorabilia and artworks we received during the campaign will be featured,” saad ni Robredo.
Ibinahagi ni Robredo ang link kung saan maaring mag-sign up para makiisa sa paglulunsad ng NGO: https://www.eventbrite.com/e/angat-buhay-likha-start-festival-tickets-373836303447.
Sa mga hindi naman personal na makakadalo, magkakaroon ng live streaming link upang masaksihan pa rin ito.
Kasama rin sa post ni Robredo ang listahan ng mga opisyal na social media pages ng Angat Buhay:
• Facebook: https://facebook.com/angatbuhaypilipinas
• Twitter: https://twitter.com/angatbuhay_ph
• Instagram: https://instagram.com/angatbuhay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.