In-coming President Rodrigo Duterte, bukas sa K to 12 program ayon sa DepEd

By Jan Escosio May 27, 2016 - 03:53 PM

k to 12Sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na bukas ang isipan ni in-coming president Rodrigo Duterte sa sisimulang K to 12 program.

Ngunit tumanggi si Umali na magbigay pa ng karagdagang detalye ukol sa posisyon ni Duterte dahil ayaw niyang pangunahan ang uupong bagong presidente.

Samantala, inihayag ni Umali na bukas sila na makipag diyalogo sa lahat ng mga grupo ukol sa usapin ng karagdagang dalawang taon sa high school.

Reaksyon ito ng opisyal kasunod ng magdamag na kilos protesta ng ilang militanteng kabataan sa harapan ng punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City.

Samantala, pasado alas dose ng tanghali kanina nang tuluyan nang umalis ang mga nagpo protestang kabataan sa harapan ng main gate ng DepEd main office.

TAGS: deped, duterte, K to 12 program, deped, duterte, K to 12 program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.