50 pang kaso ng Omicron subvariant BA.5, naitala sa Pilipinas

By Angellic Jordan June 28, 2022 - 02:22 PM

Napaulat sa Pilipinas ang 50 na karagdagang kaso ng Omicron subvariant BA.5 ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 38 indibiduwal ang mula sa Western Visayas, lima sa National Capital Region, habang pito ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Bunsod nito, umabot na sa 93 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng naturang subvariant ng nakahahawang sakit sa bansa.

Maliban dito, sinabi pa ni Vergeire na nakapagtala rin ng 11 na bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant at dalawa pang kaso ng BA.4 subvariant.

TAGS: BA.5, COVIDcases, COVIDmonitoring, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews, BA.5, COVIDcases, COVIDmonitoring, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.