Mahigit 6.35 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,352,239 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,041,027.
Sumunod na rito ang Brazil na may 670,606 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 525,047 naman ang death toll sa India habang 380,943 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 325,596
– Peru – 213,475
– United Kingdom – 180,011
– Italy – 168,165
– Indonesia – 156,726
– France – 149,406
– Iran – 141,386
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 549,848,001 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 525,681,574 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.