Solo parents sa bansa, makakatanggap ng karagdagang benepisyo
Karagdagang benepisyo ang matatanggap ng mga solo parent sa bansa.
Ito ay matapos mag-lapse into law o maging ganap na batas ang Republic Act Number 11861.
Nakasaad sa bagong batas na magkakaroon ng flexible work schedule ang mga solo parent employee, monthly cash subsidy para sa minimum wage earners, at scholarship para sa mga ito at sa kanilang anak.
Bibigyan din ang mga solo parent ng dagdag na parental leave benefits para mabalanse ang trabaho at responsibilidad sa kanilang anak, partikular sa mga kaganapan kung saan kailangan ang presensya ng magulang.
Awtomatiko ring magkakaroon ng health insurance ang mga ito, sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP) ng PhilHealth.
Sa ilalim ng batas, pinalawig rin ang depinisyon ng solo parent.
Ang DSWD, katuwang ang iba’t ibang departamento ng pamahalaan, ay magde-develop ng komprehensibong social protection services package para sa solo parent at anak ng mga ito.
Ganap itong naging batas noong ikaapat ng Hunyo 2022, at magiging epektibo 15 araw makaraang mailathala sa mga pahayagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.