Inagurasyon ni Marcos, simple, solemn at tradisyunal

By Chona Yu June 28, 2022 - 11:30 AM

Simple at tradisyunal.

Ito ang naging paglalarawan ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang panunumpa bilang ika-17 pangulo ng bansa sa June 30 sa National Museum sa Manila.

Ayon kay Franz Imperial, head ng preparation committee, solemn, simple at tradisyunal ang oath taking ni Marcos.

Ayon kay Imperial, gaya ng sinasabi ni Marcos sa kanyang vlog, hindi siya lilihis sa tradisyon ng panunumpa ng mga pangulo ng bansa.

Sa ngayon, mayroong minor details na lamang ang isinasapinal.

All set na aniya ang programa.

Ang aktres na si Toni Gonzaga ang aawit ng national anthem sa National Museum.

Susundan ito ng dasal at tatlumpong minutong military-civil parade.

Pagkatapos ng parade, susundan ito ng inauguration song na Pilipinas Kong Mahal ni Cris Villonco at Young Voices of the Philippines Choir.

Kay Supremre Court Chief Justice lexander Gesmundo manunumpa si Marcos.

Bagamat hindi tinukoy kung ano ang laman ng talumpati, sinabi ni Imperial na ang tiyak ay hindi gagamit ng teleprompter si Marcos.

Base sa tradisyon, magkakaroon muna ng meeting sa Malakanyang sina outgoing President Rodrigo Duterte at President-elect Marcos bago magtungo sa National Museum para sa kanyang inagurasyon.

Pagkatapos ng inagurasyon, babasahin ng senate president ang joint resolution ng joint congressional Board of Canvassers para sa pormal na proklamasyon ng bagong halal na presidente at bise presidente ng bansa.

Gaya ng isinasaad sa Konstitusyon, eksakto alas dose ng tanghali ang oath of office ni Marcos.

Susundan ito ng 21-gun salute bago magbigay ng inaugural address si Marcos.

Pagkatapos nito, babalik si Marcos sa Malakanyang para sa induction ng mga bagong miyembro ng gabinete.

Agad itong susundan ng unang Cabinet meeting ni Marcos.

Sa gabi naman, ay magkakaroon ng inaugural reception si Marcos para sa mga bagong opisyal at foreign dignitaries.

 

TAGS: BBM, inagurasyon, Marcos, news, Radyo Inquirer, simple, BBM, inagurasyon, Marcos, news, Radyo Inquirer, simple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.