Nasa 18,339 public safety at security forces ang ipakakalat para magbantay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30, 2022 sa National Museum sa Manila.
Ayon kay Police Lt. Colonel Jenny Tecson, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office, sa naturang bilang, 13,846 ang NCRPO personnel; 1,061 ang personnel mula sa Philippine National Police support units; at 3,432 personnel mula sa allied agencies at force multipliers.
Hinihikayat ng PNP ang mga nagbabalak na magsagawa ng kilos protesta na kung maari ay kanselahin na lamang ito.
Pero kung magpupumilit aniya ang ibat ibang grupo, papayagan ang mga ito na magsagawa ng kilos protesta sa Freedom parks lamang.
Halimbawa na ang Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.
Hindi kasi aniya papayagan ng PNP ang mga kilos protesta malapit sa National Museu.
Tiniyak ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance sa araw ng inagurasyon.