18,339 na security forces, itatalaga sa inagurasyon ni Marcos

By Chona Yu June 28, 2022 - 09:51 AM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

 

Nasa 18,339 public safety at security forces ang ipakakalat para magbantay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30, 2022 sa National Museum sa Manila.

Ayon kay Police Lt. Colonel Jenny Tecson, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office, sa naturang bilang, 13,846 ang NCRPO personnel; 1,061 ang personnel mula sa  Philippine National Police support units; at 3,432 personnel mula sa allied agencies at force multipliers.

Hinihikayat ng PNP ang mga nagbabalak na magsagawa ng kilos protesta na kung maari ay kanselahin na lamang ito.

Pero kung magpupumilit aniya ang ibat ibang grupo, papayagan ang mga ito na magsagawa ng kilos protesta sa Freedom parks lamang.

Halimbawa na ang Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.

Hindi kasi aniya papayagan ng PNP ang mga kilos protesta malapit sa National Museu.

Tiniyak ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance sa araw ng inagurasyon.

 

TAGS: BBM, inagurasyon, Marcos, news, Radyo Inquirer, Security, BBM, inagurasyon, Marcos, news, Radyo Inquirer, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.