Sen. Pia Cayetano umaasa sa pag-veto ni Pangulong Duterte sa Vape Bill
Tinuligsa ni Senator Pia Cayetano ang pagsusumite ng Kamara sa Malakanyang ng Vape Bill ilang araw bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.
Aniya ginawa ito, limang buwan matapos aprubahan ng Senado at Kamara ang bicameral version ng panukala.
“And so clearly, the transmittal of the bill at this late hour is a devious attempt to evade scrutiny by the outgoing administration and to get the bill passed on to the next administration,” aniya.
Sinabi pa ni Cayetano kapag naging batas ang Vape Bill, mawawalan ng saysay ang mga ipinaglaban sa Sin Tax Law.
Kasabay nito ang kanyang panawagan sa medical at health groups, gayundin sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na suportahan ang kanyang panawagan kay Pangulong Duterte na i-veto ang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.