Private hospitals group humingi ng subsidiya para sa taas sahod ng nurses

By Jan Escosio June 28, 2022 - 09:28 AM

FILE PHOTO

Umaasa ang isang grupo ng mga pribadong ospital sa bansa na magbibigay sa kanila ng subsidiya ang gobyerno para sa pagtaas ng suweldo ng kanilang nurses.

Ngunit inamin naman ni Dr. Jose de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), na wala pang pormal o opisyal na komunikasyon ukol sa subsidiya.

Aniya umaasa lamang sila bunga na rin ng kanilang pakikipag-usap sa isang grupo ng mga nurse.

“Ito ay baka mag-umpisa kasi nagkausap po kami ng grupo ng mga nurses at nung kami po ay magkausap ay sinabi po na ito ang posibleng gawin at baka po dun sa kanilang pino-propose na bill na ipasok sa Kongreso ay kasama na po ‘yan,” sabi ni de Grano sa isang panayam sa telebisyon.

Naibahagi nito  na halos 40 porsiyento ng nurses sa mga pribadong ospital ay umalis bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic.

Sa kanyang pagtataya, ito ay nadagdagan pa ng 10 porsiyento at marami pa ang nais na rin makapag-trabaho sa ibang bansa, kung saan ay mataas ang sahod.

TAGS: news, nurses, private hospitals, Radyo Inquirer, taas sahod, news, nurses, private hospitals, Radyo Inquirer, taas sahod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.