Volunteers sa Brigada eskuwela ng DepEd patuloy ang paglobo
Tiwala ang DepEd na ngayon taon sa pagsasagawa nila ng Oplan Brigada Eskuwela 2016.
Sinabi ni Usec Mario Derequito na simula noong 2011 umabot na sa 37.6 million volunteers ang nakibahagi sa taunang proyekto at 8.7 milyon sa mga ito ay noon lang nakaraang taon.
Dagdag pa nito sa P11.9 billion halaga ng donations in kind simula sa unang taon ng brigada eskuwela, P4 billion dito ay noon lang din nakaraang taon.
Sinabi pa ni Derequito na ang pagdami ng mga volunteers ay dahil sa lumalawig na spirit of volunteerism at kamalayan sa proyekto.
Bukod pa dito aniya ang pagdami na rin twin taon ng bilang ng mga pampublikong paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.