Governor-elect Henry Teves lilinisin, papaunlarin ang Negros Oriental

By Jan Escosio June 28, 2022 - 09:12 AM

 

Nangako si Governor-elect Pryde Henry Teves na hindi niya bibiguin ang mga bumoto sa kanya bilang bagong mamumuno sa Negros Oriental.

Sinabi nito na uunahin niyang linisin ang pamahalaang-panglalawigan ng mga tiwali sa paniniwala na ito ang magiging simula ng pag-unlad ng kanilang lalawigan.

Ayon pa sa paalis na alkalde ng bayan ng Bayawan City, bubusisiin niya ang mga nakalipas na transaksyon sa hangarin niyang maituwid ang mga maling kalakaran.

“God is good all the time. And, all the time, God is good. Hindi po masasayang ang tiwala na inyong ibinigay. Ang aking puso at isipan ay itututok ko lang sa ikakabuti ng bawat Negrosanos. Panahon na para puspusang umunlad ang Negros Oriental,” ani ng ibinoto ng 296,897 Negrosanos noong nakaraang eleksyon.

Kabilang sa kanyang tinalo si incumbent Gov. Roel Degamo  at ayon pa kay Teves hindi na niya papansinin ang mga pang-iintriga sa kanyang pagkakapanalo para masentro ang kanyang atensyon sa kanyang mga ikakasang programa at proyekto.

TAGS: negros, news, Radyo Inquirer, negros, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.