Nagsagawa ng kilos protesta ang nasa 50 miyembro ng grupong overseas Filipino workers Global sa harap ng headquarters ni President-elect Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. sa Mandaluyong City.
Ito ay para tutulan ng grupo ang pagtatalaga ni Marcos kay Susan Ople bilang kalihim ng Department of Migrant Workers.
Ayon kay Red Bual ng OFW Global, dapat na suriin ni Marcos ang personal na buhay ni Ople.
Ayon kay Bual, hindi magandang modelo para sa mga OFW at mga kabataan si Ople.
Tanong ng grupo kay Marcos kung tama lamang na isama sa gabinete ang isang kalihim na mayroong kwestyun sa moral standing.
Isa ang OFW Global sa mga sumuporta sa kandidatura ni Marcos.
Wala pa namang tugon ang kampo ni Ople sa banat ng OFW Global.
MOST READ
LATEST STORIES