Dalawang grupo, nag-aagawan sa pamumuno sa Parañaque subdivision

By Jan Escosio June 27, 2022 - 09:25 PM

Screengrab from contributed video

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo ng homeowners ng Multinational Village sa Parañaque City.

Ibinahagi ng pangulo ng homeowners association na si Arnel Gacutan na hindi kinikilala ng kabilang grupo ang desisyon ng Court of Appeals na kumikilala sa kanyang kapangyarihan.

Aniya, sa desisyon ng CA, siya ang kinikilala at nanatiling pangulo ng samahan ng mga kapwa niya homeowner.

Idinagdag pa nito na nauwi na sa tensyon at sakitan ang isyu nang magkabanggaan ang dalawang grupo sa pagitan ng mga guwardiya dahil sa aniya ay ‘illegal take over.’

Hiniling na niya sa City Business Permit and Licensing Office na alamin ang estado ng security agency na pinagbabantay sa kanilang subdibisyon.

Pinag-aaralan na rin aniya nila ang mga gagawing legal na hakbang laban sa kabilang grupo.

TAGS: Arnel Gacutan, InquirerNews, Multinational Village, Paranaque, RadyoInquirerNews, Arnel Gacutan, InquirerNews, Multinational Village, Paranaque, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.