Ito ay bilang pagtalima sa subpoena ng NBI kaugnay sa pagkamatay ng limang indibidwal.
Kinukuhanan ngayon ng salaysay ang isa sa mga gwardyang nakatalaga sa event venue.
Kahapon, nauna nang nagtungo ang mga kinatawan ng events organizer para magbigay ng pahayag at mga dokumento hinggil sa seguridad na ipinatupad sa concert.
Iginiit ng mga ito na ipinatupad nila ang sapat na seguridad sa nasabing event.
Sa statement sa NBI death investigation division ni Gizelle Co, representative ng Eventscape Manila, organizer ng close-up forever summer noong Mayo a-21, legal at may permit mula sa Office of the City Maypr ng Pasay ang concert kung saan kasama rito ang pagbebenta ng alak sa mga dadalong nasa hustong gulang na.
Hindi anila itinago sa mga otoridad, kabilang ang pasay LGU at PNP, na may mga concessionaire at sponsor silang magbebenta ng alak.
Isinumite rin ng Eventscape sa NBI ang floor plan ng event, emergency at evacuation plan at iba pang security measures.