VP Leni: Si Sen. Risa Hontiveros na ang mamumuno sa oposisyon

By Jan Escosio June 27, 2022 - 01:03 PM

Ibinilin ni outgoing Vice President Leni Robredo ang pamumuno sa oposisyon kay reelected Senator Risa Hontiveros.

Kay Robredo nanumpa si Hontiveros sa Office of the Vice President kanina.

“Noong alam na natin ‘yung resulta ng eleksyon, tinext ko si Senator Risa. Sabi ko kay Senator Risa, ikaw na ang ‘yung lider naming. Kaya please know na nasa likod mo lang kami. Nasa likod mol ang kami, tutulong kung kailan mo kami kailangan,” ang pagbabahagi ni Robredo.

Dagdag bilin pa nito; “Uulitin ko ‘yun ngayon, Sen. Risa, na you are now the highest elected official sa oposisyon and lahat kami masaya na ikaw yung natitirang humahawak ng ating bandila.”

Samantala, sinabi ni Hontiveros na itutuloy niya ang mga nasimulan niyang adbokasiya para sa pagbuti ng pamumuhay ng mga Filipino.

“We have always been a nation choosing to hope for a fresh start, for better outcomes, for progress. But we have no more time to lose. Every effort counts. Everyday is a chance for me, and for us in government, to do justice to every Filipino,” ang sabi nito.

Kasama ni Hontiveros sa kanyang panunumpa kay Robredo ang mga anak na sina Issa, Helena at Sinta.

Kasunod nito, nag-alay ng Thanksgiving Mass si Hontiveros, na isinelebra ni Bishop Emeritus Antonio Tobias sa Our Lady of Remedies Parish sa Malate, Maynila.

TAGS: hontiveros, Robredo, hontiveros, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.