Sakit sa operasyon ramdam pa ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio June 27, 2022 - 12:46 PM

Nakalabas na kahapon ng ospital si Senator Leila de Lima matapos sumailalim sa operasyon.

Sa inilabas niyang pahayag ngayon, sinabi ng senadora na nakakaranas pa rin siya ng pananakit ngunit sa pangkalahatan ay maayos naman ang kanyang pakiramdam.

“Still recovering from a major surgery. Stil experiencing some pains but I feel generally fine,” ang tweet ng senadora.

Sumailalim sa operasyon si de Lima sa Manila Doctors Hospital, bagamat walang detalye na inilabas ang kanyang kampo, unang naibahagi ng kanyang abogado na ito ay sa matris.

Pinayuhan si de Lima ng kanyang mga doktor na agad sumailalim sa operasyon matapos madiskubre ang kanyang kondisyon base sa mga isinagawang pagsusuri.

Base sa kanilang inihain na petisyon sa korte sa Muntinlupa City, nadiskubre na may pelvic organ prolapse stage 3 si de Lima kayat pinayuhan siya na sumailalim sa vaginal hysterectomy.

TAGS: de lima, surgery, de lima, surgery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.