WATCH: Mga grupo na kontra sa partylist groups lumusob sa Comelec

JUN CORONA / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Sumugod muli sa punong tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang grupo na kontra sa ilang partylist groups.

Hiniling ng League of Parents of the Phils., Liga Independencia Pilipinas, at Makabayang Alyansa Comelec na idiskuwalipika ang partylist groups na sinasabi nilang sumusuporta sa Communist Part of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front of the Phils.

Tinuligsa nila ang Kabataan, ACT Teachers, Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela.

Nais din nila na bawiin ang akreditasyon ng mga nabanggit na partylist groups.

Giit nila may mga ebidensiya na nagsisilbing ‘fronts’ ng CPP-NPA-NDFP ang mga naturang grupo.

Narito ang pahayag ng isa sa mga miyembro nito:

May una ng petisyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na idiskuwalipika ang mga nabanggit na partylist groups.

Read more...