COVID 19 positivity rate sa NCR, 8 lugar higit sa WHO standard

By Jan Escosio June 27, 2022 - 11:08 AM

Lumagpas na sa inirekomendang benchmark ng World Health Organization (WHO) ang positivity rate sa Metro Manila at walo pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research.

Nabatid na 5.9 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila base sa mga datos na nakalap ng OCTA noong nakaraang Sabado at ang WHO benchmark ay mababa sa limang porsiyento.

Nangangahulugan na 5 sa bawat 100 katao ay positibo sa COVID 19.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David pinakamataas ang naitalang 11.9 porsiyento sa lalawigan ng Rizal, sinundan ng Laguna (7.5%), South Cotabato (7.4%), Cavite (6%), Pampanga (5.9%), Cagayan (5.8%), Iloilo (5.7%) at Batangas (5.6%).

Inaasahan na tataas pa ang mga datos hanggang sa kalagitnaan ng susunod na buwan.

Ilang lugar sa Metro Manila ang inanunsiyo na nasa ‘moderate risk level’ na dahil sa pagdamit ng mga tinatamaan ng nakakamatay na sakit.

Ang DOH sinabi na maaring umabot sa 1,500 – 2,000 ang kaso sa Metro Manila sa katapusan ng Hulyo.

TAGS: NCR, OCTA, positivity rate, NCR, OCTA, positivity rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.