Sen. Win Gatchalian hihirit ng 3rd round ng fuel subsidy, distribusyon ng ayuda pinapapaspasan

By Jan Escosio June 27, 2022 - 10:54 AM

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang maayos na pamamahagi ng fuel subsidy sa mga benipesaryo sa public transport sector.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan kasabay nang binabalak niyang magsulong ng ‘third tranche’ ng ayuda sa nabanggit na sektor na labis na apektado ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

“Marami na ang tumitigil sa pagpapasada at nawalan ng hanapbuhay ang maraming PUV drivers. The key here is dapar mas mapabilis natin ang pagbibigay ng ayuda sa kanila dahil time is of the essence,” diin ng namumuno sa Senate Committee on Energy.

Hanggang noong Hunyo 16, 88 porsiyento o 232,586 pa lamang sa mga benipesaryo ng Pantawid Pasada program ang nakatanggap na ng ayuda.

Napakahalaga aniya na makabuo ng payout system na makakagarantiya ng mabilis na pamamahagi ng ayuda.

Una na rin sinabi ni Gatchalian na isusulong niya ang P3,000 kada buwan na ayuda hanggang sa limang buwan.

TAGS: ayuda, Gatchalian, ltfrb, pantawid pasada, ayuda, Gatchalian, ltfrb, pantawid pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.