Ilang paaralan sa Maynila nagkansela ng face-to-face classes
Kanselado simula ngayon araw ang face-to-face classes at on-site physical transactions sa apat na Pamantasan sa Intramuros, Maynila sa Huwebes, Hunyo 30.
Kaugnay ito ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa National Museum.
Magkakahiwalay na naglabas ng abiso ang Colegio San Juan de Letran, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Mapua University at Lyceum of the Philippines.
Una nan ang idineklarang special non-working holiday sa Maynila sa Huwebes kayat kanselado na rin ang mga klase.
Ikakasa muna ang ‘online classes’ at ang mga guro at empleado naman ng mga nabanggit na pamantasan ay magkakasa ng ‘work from home set-up.’
Ito ay upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral at kawani ng mga pamantasan sa mga aberya na idudulot ng ginagawang paghahanda sa inagurasyon ng ika-17 pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.