Pumalo na sa 547 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 547,492,681 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 88,566,961 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,365,016 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 31,963,736 naman ang kaso sa Brazil habang 30,434,451 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 27,573,585
– United Kingdom – 22,576,354
– Russia – 18,409,651
– South Korea – 18,312,993
– Italy – 18,071,634
– Turkey – 15,085,742
– Spain – 12,613,634
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,347,816 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 522,833,075 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.