Sunog sa Tondo Manila Fire out matapos ang halos 9 na Oras

By Erwin Aguilon May 27, 2016 - 03:26 PM

erwin narcisa st sunog 52716
Kuha ni Erwin Aguilon

Idineklara ng fire out dakong 12:06 ng tanghali ng mga tauhan ng Manila Fire Department ang sunog na tumupok sa isandaang bahay at tatlong 3-storey commercial residential building sa Narcisa Rizal St., cor La Torre St., Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog ganap na alas 3:16 ng madaling-araw at mabilis na umakyat sa Task Force Alpha dakong 4:24.

Nag-umpisa ang sunog sa bahay ni Jocelyn Miranda dahil sa iligal na koneksyon ng kuryente na kaagad kumalat sa mga katabing barong-barong.

Aminado naman si Fire Chief Inspector Arvin Rex Apalla, hepe ng Operation Division ng Manila Fire Department na nahirapan sila sa pag-apula ng apoy matapos silang maubusan ng tubig at malayo ang fire hydrant na pinagkukuhanan bukod pa sa mahangin na nagpalakas ng apoy.

erwin narcisa st sunog 52716 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Yari sa light materials ang nasunog na mga bahay na tahanan ng dalawandaang pamilya.

Sinabi naman ng isa sa nasunugan na si Allan Labador na gumagamit ng jumper na kuryente ang karamihan sa mga nasunugang residente.

Nasawi sa sunog ang 70-anyos na si Victoria Mina na hindi na nakalabas sa nasusunog na bahay dahil sa pagiging baldado.

Walong residente naman ang nagtamo ng minor injuries sa nasabing sunog.

TAGS: Fire out, isa patay, Sunog Tondo Manila, Walo Sugatan, Fire out, isa patay, Sunog Tondo Manila, Walo Sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.