Apat na tripulanteng Pinoy na nadamay sa banggaan ng dalawang barko sa Solomon Island, nasa maayos na kalagayan
Nasa maayos na kalagayan na ang apat na tripulanteng Filipino na nadamay sa banggaan ng dalawang barko sa Solomon Island noong June 8.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na makauuwi na sa susunod na linggo ang apat na tripulante.
Ang apat na tripulanteng Filipino ay kabilang sa mahigit 30 tripulanteng na nakaligtas matapos banggain ng isang Taiwanese vessel ang sinasakyan nilang Korean vessel.
Ayon kay Cacdac, naka-quarantine sa isang hotel sa Taiwan ang apat na Filipino.
Nasa maayos naman aniyang kalagayan ang mga Filipino at pinuntahan at binisita na ng labor officers sa Taiwan at binigyan sila ng request nilang pagkain.
Nakilala ang apat na tripulante na sina Mark Anthony Camense, Jovencio Mariano, Jhoecel Asturias at Marielo Bautista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.