Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng government departments, agencies, institutions at branches na suportahan ang implementasyon ng National Strategy for Financial Inclusion 2022-2028 (NSFI).
Ito ay para maging maayos ang mga polisiya at iba pang kautuusan para sa financial inclusion.
Nabatid na ang Bangko Sentral ng PIlipinas (BSP) ang nangunguna sa NSFI para sa inclusive growth at financial resistance.
Dahil sa Memorandum Circular No. 97 ito, inaatasan ang lahat ng departments, agencies at instrumentalities ng gobyerno, kasama ang state universities and colleges, government-owned or -controlled corporations, at foreign-based agencies na isama ang relevant priority initiatives ng NSFI, pagsali sa working groups ng Financial Inclusion Steering Committee at iba pa.