15,000 security personnel magbabantay sa inagurasyon ni Marcos
Aabot sa mahigit 15,000 security personnel ang magbabantay sainagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30 sa National Museum sa Manila.
Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, kabilang sa mga magbabantay sa seguridad ni Marcos ang mga pulis, sundalo, Philippine Coast Guard at iba pang security personnel.
I-aactivate aniya ang Task Force Manila Shield dalawang araw bago ang inagurasyon.
Sinabi pa ni de Leon na maximum security ang ipatutupad sa inagurasyon ni Marcos.
May mga itatayong checkpoints at chokepoints sa lahat ng entry points sa Manila simula sa June 28.
Iiral naman ang gun ban simula sa June 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.