Binansagang manyak na jeepney driver dumipensa

By Jan Escosio May 27, 2016 - 03:11 PM

manyak driver
Grab from Youtube

Humarap sa LTFRB ang jeepney driver na nabansagang bastos at manyak sa social media.

Paliwanag ni Emmanuel Escalona pagsakay pa lang ng nagreklamong babae sa kanyang jeep ay napansin na niya agad ang mamahaling cellphone nito.

Aniya noong una ay hindi niya pinapansin ang babae hanggang sa mapansin niya na tila bini-video na siya nito.

Pinakiusapan niya ang babae na itigil na ang pag video sa kanya at nagmalasakit pa na maraming snatcher ng cellphone sa lugar at baka maagaw ang kanyang telepono.

Dagdag pa ni Escalona hindi naman niya hinipuan ang babae kundi gusto lang niya na matigil ang pag video sa kanya.

Aminado naman si Escalona na maaring natakot ang babae sa kanyang hitsura ng sandaling iyon dahil iniinda niya ang matinding sakit ng nalapnos na balat gayundin ang paghahabol ng kita para sa medical check up ng anak na magta trabaho.

TAGS: Manyak Jeepney Driver, Manyak Jeepney Driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.