Pulis na nasabit sa droga sa Maynila, sinibak na sa pwesto
Sinibak na sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Joel Pagdilao ang drug pusher na pulis na naaresto ng NBI sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Police Supt. Kimberly Molitas, tagapagsalita ng NCRPO, sinampahan na rin ng kasong administratibo si PO2 Jolly Alliangan na nakatalaga sa Regional Anti Illegal Drugs ng NCRPO na nakakulong pa rin sa detention cell ng National Bureau of Investigation.
Naaresto ang nasabing pulis kasama ang dalawa pa matapos magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng NBI NCR sa bahay ng suspek sa Palawan corner Visayan Sts., Sampaloc, Maynila.
Pinagpapaliwanag din ni Pagdilao si Police Chief Inspector Roberto Razon Jr, hepe ng Regional Anti Illegal Drugs kaugnay sa insidenteng kinasasangkutan ng nasabing pulis bilang ito ay nakatalaga sa nasabing unit ng NCRPO.
Nakarecover ang NBI ng mga droga, matataas na kabibre ng baril at pitong milyong pisong cash sa bahay ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.