2 veteran journalists nabigyan ng puwesto sa PBBM admin

CESAR CHAVEZ FACEBOOK

Ang beteranang mamamahayag at abogadong si Cheloy Garafil ang itinalaga ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na mamumuno sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kasalukuyan, si Garafil ang service director ng House Committee on Rules.

Nagsilbi din itong prosecutor ng Department of Justice at state solicitor sa Office of the Solicitor General.

Naging reporter siya sa Philippine Daily Globe, Central News Agency, Associated Press at Malaya.

Itinalaga naman bilang Transportation undersecretary for rails si Cesar Chavez, dating chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at naging deputy administrator ng LRT Administration.

Samantala, si Christopher ‘Chet’ Pastrana naman ang uupong general manager ng Philippine Ports Authority (PPA) ng bagong administrasyon.

Ngayin, presidente at CEO ng CAPP Industries si Pastrana at chairman ng Archipelago Philippines Ferries Corp., ang operator ng FastCat ferries.

Read more...