DOH umapila sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak
Sa inaasahang pagbabalik na sa mga eskuwelahan ng mga mag-aaral, hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID 19.
“Kailangan lang siyempre, as individuals and as their parents, kailangan bigyan natin sila ng protection. And what would be the best protection that we can give them – have them vaccinated para tumaas ang ating kumpiyansa at tumaas protection ng kabataan kung sakaling papasok na sila sa kanilang eskuwelahan,” sabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire.
Dagdag pa nito, makakabuti sa pag-iisip ng mga bata ang pagbabalik nila sa mga paaralan.
“Kailangan isipin ang kanilang mental health. They have been in lockdown for more than two years already,” aniya.
Paglilinaw pa ni Vergeire, nakatali ang pagbubukas ng mga eskuwelahan sa Alert Level System at ang balak sa mga lugar na nasa Alert Level 1 lamang ibabalik ang face-to-face classes.
Binabalak ni incoming Education Sec. Sara Duterte na magkaroon na ng in-person classes sa pagbubukas ng School Year 2022 – 2023 sa darating na Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.