8 patay, anim sugatan sa police operation sa Maguindanao

By Jan Escosio June 23, 2022 - 08:51 AM

Nasawi ang walong katao sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Rajah Buayan, Maguindanao, Miyerkules ng madaling araw.

Sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) police director, Brig. Gen. Arthur Cabalona, nangyari ang insidente alas-4 ng madaling araw sa Barangay Mileb.

Aniya magsisilbi ang mga awtoridad ng warrant of arrest para kina Turkey Utto Latip at Katindig Mustapha.

Nabatid na may kasong frustrated murder si Latip, samantalang robbery with homicide naman ang kinahaharap ni Mustapha.

Ayon pa kay Cabalona pinaputukan ng grupo ng dalawa ang mga pulis at tumagal ang pagpapalitan ng mga putok ng halos isang oras.

Kabilang sa anim na napatay sina Latip at Mustapha, samantalang isa naman sa mga nasugatan ay isang pulis.

Narekober sa mga napatay ang 10 ibat-ibang uri ng baril, kabilang ang dalawang .50-caliber Barret sniper rifles.

TAGS: BARMM, maguindanao, warrant, BARMM, maguindanao, warrant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.