Nakapasa ang 3,037 sa 4,766 examinees na kumuha ng Architect Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC).
Sa inilabas na pahayag kagabi ng PRC, ang examinations ay idinaos sa Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi City, Lucena City, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamaboanga noong Hunyo 17 at 19.
Pinangasiwaan ng Board of Architecture sa pamumuno ni Arch. Robert Zac ang eksaminasyon kasama sina Arch. Robert Mirafuente at Arch. Corazon Fabia-Tandoc.
Si Marianne Kaye Ledesma Ofianga ng Iloilo Science and Technology University ang Top 1 sa nakuhang 82.40%; sumunod si Gian Vincenz Faustin dela Cruz, ng University of Sto. Tomas (81.90%) at pangatlo si Julius Benedict Brillante, ng UP – Mindanao (81.80%).
Pumuwesto naman sa Top 4 si Dominique Frani, ng Adamson University (81.70%) at tatlo naman ang Top 5 na pare-parehong nakakuha ng 81.50%, sina Jam Scott Manalo, ng UST; Lady Joyce Castillo, ng Batangas State University; at Micaela Santos Cruz, ng PUP – Main.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.