D0H spokesperson Vergeire pamumunuan ang NVOC sa ilalim ng BBM admininistration

By Chona Yu June 22, 2022 - 05:47 PM

Naitalaga si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang bagong mangangasiwa sa National Vaccinations Operations Center sa ilalim ng administrasyong-Marcos Jr.

Ito ang ibinahagi ni Health Usec. Myrna Cabotaje, ang kasalukuyang namumuno sa NVOC.

Ayon kay Cabotaje walang dapat ipagalala ang mamamayan dahil magaling si Vergeire at nasa mabuting kamay ang vaccination program ng gobyerno.

Kumpiyansa din ito na magiging matagumpay ang programa sa pagbabakuna ng susunod na administrasyon.

“Huwag po silang mag-alala, ang papalit sa amin na aalis na ay kasing galing kung hindi man mas magagaling. Siya (Vergeire) ang maiiwan sa Department of Health,” sabi pa ni Cabotaje.

Nagbilin din siya ng pakikipagtulungan ng lahat, sa pangunguna ng pambansang gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

TAGS: doh, NVOC, vaccination, doh, NVOC, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.