255 patay sa lindol sa Afghanistan

AYMAN MAT FACEBOOK

Niyanig ng malakas na lindol ang dalawang probinsiya ng Afghanistan at nasa 255 na ang napa-ulat na nasawi.

Bukod pa dito ang daan-daang nasugatan sa mga lalawigan ng Paktika at Khost, na lubos na nakaramdaman ng 5.9 magnitude earthquake.

Sinabi ni  Mohammad Naeem, ang tagapagsalita ng gobyerno ng Taliban, inaasahan na dadami pa ang bilang ng mga nasawi at nasaktan bunga ng mga ulat ng mga na-trap sa mga bumagsak na imprastraktura.

Nagsara ang mga negosyo sa mga apektadong lugar at ang mga nakaligtas ay nagtutulong-tulong sa paghahanap sa mga maaring buhay pa sa ilalim ng mga bumagsak na bahay.

Limatado din ang mga kagamitan na maaring magamit bunga ng pang-aagaw ng kapangyarihan ng Taliban.

Read more...