LTFRB: Wala pang fare hike petition para sa taxi

By Chona Yu June 22, 2022 - 04:24 PM

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Hindi pa humihirit ng dagdag pasahe ang mga taxi operators at drivers.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Dir. Kristina Cassion.

Paglilinaw niya wala pang isinusumiteng petisyon para sa taas-pasahe sa taxi taliwas sa mga naglalabasang ulat.

Aniya hinanap nila sa kanilang Legal Division ang iniulat na petisyon na inihain noong Marso ngunit wala silang nakita.

Gayundin, hinihintay nila na maghain na ng petisyon ngunit hanggang sa araw na ito ay wala pa silang natatanggap.

Sinabi nito na hindi sila maaring gumawa ng hakbang ng walang petisyon.

Tanging ang petisyon para sa dagdag pasahe mula naman sa mga bus operators ang kanilang natanggap noong nakaraang linggo.

TAGS: fare hike, ltfrb, Taxi, fare hike, ltfrb, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.