2nd wave ng fuel subsidy ipapasa na sa PBBM administration

Ititigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang distribusyon ng ‘second tranche’ ng fuel subsidy sa mga benipesaryo sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Sinabi ito ni LTFRB Executive Dir. Kristina Cassion sa katuwiran na ipapaubaya na nila sa papasok na administrasyon ang pamamahagi ng ayuda.

Dagdag katuwiran pa nito, kailangan ay malaman ang maaring maging patakaran at pamamaraan ng bagong administrasyon sa Pantawid Pasada program.

Aniya, napaglaananan sa 2022 General Appropriations Act ng P2.5 bilyon ang ayuda at ito ay may 300,000 benepisaryo.

Sa ngayon, ayon pa kay Cassion, may 50,000 pa ang hindi nakakatanggap ng ikalawang bugso ng tulong.

Read more...